Browser Support
Mga Development Standard
Ang teknolohiya sa website ay nakaranas ng maraming pagbabago sa mga lumipas na taon. Ang mga website ay nagbago mula sa pagiging mga pahinang hindi nababago, na ang bawat naka-code ay mano-manong ipinasok, hanggang sa mga nagbabagu-bagong aplikasyon na halos walang katapusang mga kakayahan. Ang Mouser Electronics ay nangunguna sa aming industriya upang matiyak na patuloy kaming nagbibigay ng pinakabagong mga teknolohiya habang pinapanatili ang isang kaaya-ayang karanasan para sa aming mga user.
Ginagamit namin ang pinakabagong mga patnubay sa W3C at mga pamantayan sa SSL upang aktibong subukan ang aming website sa maraming platform at browser. Nagbibigay ito ng ligtas na karanasan sa pamamagitan ng paggamit ng pinakabagong mga tampok sa seguridad na maaari sa mga browser na nakalista sa ibaba.
Mga Suportadong Browser
Para sa pinakamagandang karanasan, sinusuportahan ng website ng Mouser ang mga sumusunod na browser:

Google Chrome
(Pinakabagong Bersyon)

Microsoft Edge
(Pinakabagong Bersyon)

Mozilla Firefox
(Pinakabagong Non-ESR na Bersyon)

Safari
(Pinakabagong Bersyon)

Opera
(Pinakabagong Bersyon)

Internet Explorer 11
Nag-retire sa Microsoft, Hunyo 15, 2022
Ito ang mga browser na inirerekomenda naming gamitin sa site namin. Kapag ang mga pinakabago at stable na bersyon ng mga browser na ito ang gingagamit, limitado ang magiging problema mo. Pansinin na, dahil magre-retire na sa Microsoft sa Hunyo 15, 2022 ang Internet Explorer, hindi na sinusuportahan ng site namin ang browser na iyan.
Iminumungkahing mga Setting ng Browser
Upang maging tugma sa lahat ng mga tampok sa website ng Mouser, dapat na naka-configure ang iyong browser na gumamit ng:
- JavaScript
- Mga Cookie. Karagdagan pa sa mga Cookie
- Mga Style Sheet (CSS)
Kahit na hindi kailangan ang JavaScript para bumili mula sa website ng Mouser ang pagpapagana sa JavaScript ay magbibigay-daan sa iyo na mapakinabangan nang husto ang lahat ng serbisyo at tool na inaalok namin.
Paglalagay ng Order (Cookie at Encryption)
Bilang karagdagan sa paggamit ng suportadong browser, ang mga sumusunod na setting ay kinakailangan upang maglagay ng isang order:
- dapat na nakatatanggap ka ng mga "first-party" at "session" cookies, ito ay nagbibigay-daan sa iyo upang ilagay ang mga item sa iyong cart
- dapat suportado ng browser mo ang minimum na 128 bit SSL encryption upang magamit ang aming ligtas na proseso ng pag-checkout
Ang isang suportadong browser na "out-of-the-box" dapat na naka-configure na sa isang paraan na nagpapahintulot sa iyo na maglagay ng isang order mula sa aming site.
Dahil nakaimbak ang cart mo sa mga cookies, ang pag-aalis ng mga cookies ay aalis sa lahat ng item mula sa iyong cart. Ang paggamit ng ibang computer, browser, o computer user account ay magdudulot sa iyo na gumawa at gumamit ng ibang cart. Ito ang dahilan kung bakit maaari kang makakita ng iba-ibang item sa iyong cart kapag gumagamit ng ibang computer o browser.